Tuesday, February 22, 2011

ALON

Gaano man kahigpit 
ang yakap ng mga buhangin 
ay naaanod pa rin ito
ng marahas na pagsagupa ng alon… 
Nilulunod  ito hanggang maging
patag ang bundok na nais 
itayo ng matandang hangal… 
Kasabay ang pagguho 
ng tagumpay na nais niyang
makamit. Iniluluklok ito
hanggang sa kaibuturan 
ng kanyang lalim 
upang hindi na ito gumalaw… 

0 comments:

Post a Comment