Sunday, February 13, 2011

PAGHAHANAP.

      At dahil pinilit kong magdiwang ng ARAW ng mga PUSO noong 14 Pebrero, pinili kong sumama sa aking mga kaibigan sa Dumaguete. Ang sabi nga nila, para maiba naman ang tema ng VALENTINES- Pagmamahal sa Sarili muna ang dapat atupagin.

    Huli kong napuntahan ang Dumaguete noong 2008. Pero iyon ay isang simpleng Academic Trip lamang. Walang pagliliwaliw at walang Good time. Pero sa pagpunta namin ngayon, ay isang bagay lang ang inisip ko:
ang mag-ala JULIA ROBERTS! (Eat, Pray, Love!) Alam mo na?

 Hanging bridge: isa sa mga atraksyon ng FOREST PARK.

 Ang LOGHOUSE- ang bahay na hinati sa dalawa. Ang kaliwa ay ang BAHAY CHAMPACA at BAHAY NARRA sa kanan kung saan kami natulog.


Tabing Ilog Cast

"Pan de Leche."- di ko akalain na sa Valencia,Dumaguete matatagpuan ang pinakamasarap na tinapay. Ito daw ay gawa sa COCONUT Oil sa halip na lard. Naubos ko ito lahat.

Ang sabi nila, ang kayamanan ng isang lugar ay matatagpuan sa PALENGKE. 

 Malaswang Pangalan ng Tindahan.

Si Chardee at ang kayamanang aming nahanap.-Isang VINTAGE Store.

 PUTO MAYA

    At kung ang tanong mo ay kung tunay ko nga bang nahanap ang aking sarili doon, ang sagot ko ay, HINDI!  O sabihin na nating MEDYO.

     Ang pagkilala sa sarili ay isang proseso. Ang parte ng aking pagkatao. Ang aking kalahati. Ang salamin ng aking kaluluwa- lahat ng ito ay hindi mo makikilala sa isang tagpuan lamang.
Paunti-unti.Pahinay-hinay.

      Ang pagkilala sa sarili ay tulad ng pagkilala sa ibang tao. Pero, ito ay hindi isang “HI, MY NAME is JOHN, and you are?” Ito ay parang pag-usisa ng taong nangliligaw. Parang pag-aaral ng Final Exam na kailangang balikan mula umpisa. Paghahanap ng bagay na alam mong hindi mo na makikita.

Tama nga si Mareng Elizabeth Gilbert

”Your treasure – your perfection – is within you already. But to claim it, you must leave the busy commotion of the mind and abandon the desires of the ego and enter into the silence of the heart.”

-Excerpt from Eat, Pray, Love: One Woman’s Search for Everything Across Italy, India and Indonesia.

0 comments:

Post a Comment