Friday, April 1, 2011

ESPASYO

Ang ESPASYO ay isang MISTERYO.

(Sa  saklaw pa lang ng tunay na kahulugan nito, ay nahihirapan na akong simulan ang sanaysay na ito.)
 
PATUNAY:
Isipin mo na nga lang kapag minamasdan mo ang kalaliman ng karagatan na para bang ika’y ay nilalamon nito,

O  di kaya’y tanawin ang kalawakan ng mundo sa tuwing ikaw ay sumusakay ng eroplano.




Nakakamangha.

Sabi ni Rudolf Otto, ang German Lutheran theologian na may akda ng “The Idea of the Holy”.  Ito ay isang elemento na kung tawagin ay OVERPOWERINGNESS. Ito ay isang pakiramdam ng pagpapakumbaba sa tuwing nahaharap sa napakalaking katotohanan. Balintuna, ang pagpapakumbabang ito, ay isang katunayan na ang pagkilala sa sarili sa kawalan ay ang pagtanggap na mayroon pang mas nakahihigit sa atin.

Kung nasagot man ni Otto sa kanyang teorya na may nakahihigit na nilalang ang responsable sa daloy ng mundo at ng espasyong ginagalawan nito, paano naman kaya ang personal na espasyo? Diyos rin ba ang may pakana nito o sarili lang natin?

Paano kaya maipapaliwanag ang mga personal na espasyo na lingid sa ating kamalayan, ay nagiging pang-araw araw na pala nating gawi.

Halimbawa na lang ay kapag sasakay ka ng dyip. Sa pagtanaw mo pa lang sa looban nito ay alam na alam mo na kung saan ang spot mo. Sa pagpili ng upuan sa tuwing unang araw ng klase. Sa pagpili kung saang cubicle ng CR ka papasok. Kung saang parte ng damit mo ilalagay ang cellphone mo. Kung anong pagkain ang una mong kukunin sa hapag: kanin muna bago ulam. Kung mas nuuna ba ang pagsasabon kay sa sa pagsa-shampoo.- LAHAT ng ito ay hindi natin namamalayan ay parang naka rehistro na sa ating utak. Kung Ano? Saan? Kailan? Plantsado na.

Marahil sa iba ang PERSONAL SPACE ay isang RELIGIOUS EXPERIENCE.

Sagrado.

Sabi pa nga ni Edward T. Hall:
“Personal space is the region surrounding a person which they regard as psychologically theirs. Invasion of personal space often leads to discomfort, anger, or anxiety on the part of the victim.”
 Hall, Edward T. (1966). The Hidden Dimension. Anchor Books.
Kaya ‘wag tayong magtaka kung kailangan nating mapag-isa minsan. Ito ay katulad ng SELF-DISCOVERY na aking naisulat  ( PAGHAHANAP)  sa nakaraang pahina.

Marahil ito rin siguro ang dahilan kung bakit ako nagpasyang bumukod at maghanap ng sariling matitirhan. Gusto kong maranasan kung papaano mamuhay ng mag-isa. Gusto kong patunayan na:
 
HINDI SA LAHAT ng PANAHON, MALUNGKOT ANG MAG-ISA.
 
Pilosopong Pepe

0 comments:

Post a Comment